"Saan kayo nagpunta ni tita mommy?" tanong ni Marcus kay Ranz. Ilang minuto pa lang mula nang makauwi ito kasama si Ashley. He was fine. Wala itong kahit kaunting galos sa katawan. Ang sabi ng dalaga'y nakita nitong mag-isa si Ranz mga bandang 2:00pm, doon sa computer shop 'di kalayuan sa skwelahan nila. Patingin-tingin daw ito sa mga batang naglalaro roon at kahit anong pilit daw niya ay 'di na raw gustong umalis ni Ranz. Laro na lang ito ng laro. Kung 'di pa nag brown-out ay 'di niya ito mai-uuwi rito. But instead of thanking Ashley he nagged her for not informing him earlier. May number naman ito sa kan'ya. Puwede naman siya nitong itext upang ipasundo si Ranz nang hindi siya nag-aalala ng husto. Ang dahilan nito'y wala raw itong load. Kaya naman bulyaw ang natanggap nito sa kan'ya imb

