NASA IKALAWANG trimester na ang pagbubuntis ni Zionne kung kaya't ramdam na niya ang kaunting bigat nito maging ang paggalaw ng kaniyang anak na nasa sinapupunan. Kasabay nito ay ang mabilis na pag-recover ni Howard makalipas lamang ang isang linggo kung kaya't nakabalik na agad ito sa trabaho. Medyo mahirap ang naging sitwasyon niya nang nagpapagaling pa lamang ito dahil kahit pagod sa trabaho ay kinakailangan niyang ligpitin ang kalat ni Howard sa buong maghapon. Idagdag pa ang mga hugasin na bubungad sa kaniya sa lababo. Pero kahit gano'n ay tiniis iyon ni Zionne dahil wala naman siyang ibang aasahan na gagawa no'n lalo pa't hirap pang kumilos si Howard no'ng mga araw na 'yon. Sa kabila nito ay ramdam din niya ang unti-unting panlalamig nito sa kaniya, madalas pa rin itong umuuwi ng

