Caelen’s POV Napansin kong nag-iisip siya noong nakita niya ang sulat na inilabas ko. “Yes, it’s from Vonn,” sabi ko sa kanya kaya tumitig lang siya sa akin. Napansin ko na hindi na niya madalas binabanggit si Vonn sa akin dahil baka iniisip niyang nagseselos ako sa kaibigan ko. Kung tatanungin naman ako ay hindi ako nagseselos lalo na at wala naman dito ang kaibigan ko. Isa pa, naiintindihan ko naman kung bakit ganoon na lang din mahalin ni Michiko si Vonn. Tanggap ko na una silang nagmahalang dalawa. “That is one of the reasons why I asked you to go here,” dagdag ko pa dahil kahit ibinigay ko na sa kanya ang sulat ay nakatulala pa rin siya sa sulat na iyon at parang hindi pa nga makapaniwala sa sulat na iyon. “Wait lang, Caelen. Binigay ba iyan sa iyo ni Vonn? Bakit? At kailan? Para s

