Michiko’s POV Nasa sariling kuwarto ako ngayon at malinis na ito. Sa wakas ay naiayos ko na ang mga gamit ko. Wala na akong nakikita na kahit anong sulat na galing kay Vonn dahil naitabi ko na ang mga iyon. Ang tanging nagpapaalala na lang sa akin kay Vonn ay ang mga ala-ala na kasama namin siya at maging ang mga litrato namin sa baba na nakasabit pa. Hindi naman siguro masama kung hindi ko na iyon tanggalin doon, hindi ba? Masasabi ko na totoong natanggap ko na ang pagkawala niya dahil hindi na nakasasakit nang lubusan ang mga nagpapaalala sa kanya. Maging ang mga kuwentong kalokohan nila ni Caelen ay tinatawanan ko na lang din. Ganoon din ang napansin ko kay Mommy Ella sa tuwing pinag-uusapan namin si Vonn. Napalingon ako sa cell phone ko noong nakita kong umilaw iyon. Naka-silent pal

