Michiko’s POV Pare-parehas kaming maagang umalis ng bahay kaya wala kaagad tao noong umalis kami. Kanya-kanyang pasok pero inihatid kami ni Kuya Euan bago siya dumiretso sa trabaho niya. Pagdating ko naman kaagad sa Dream Flower Shop ay naka-abang na sa akin ang kaibigan ko na akala mo ay may atraso ako sa kanya! “Ikaw, Michiko!” sigaw niya sa akin na may kasama pang hampas sa balikat noong tuluyang nakalapit na ako sa kanya. “Bakit?” tanong ko naman sa kanya habang inaayos ang mga dapat ayusin sa flower shop kapag nagbubukas kami. Sinusundan nga niya ako kahit saan magpunta. Nagpaalam sa akin si Hannie, kaibigan ni Celestine na kasama kong nagbabantay rito, na hindi siya makapapasok ngayon. Siguro ay ipinaalam din niya iyon sa kaibigan kong si Charlotte at dahil naghahanap siya ng kuwe

