Caelen’s POV “It’s you, Caelen. Ikaw at ang tinutukoy kong Mr. C ay iisa.” Tumayo ako para kuhanin sa bag ko ang panyo na may burda rin na letter “C” kagaya ng bimpo na ibinigay ko kay Michiko noong nagkita kami sa Mount Batulao. Marami akong ganito dahil ibinigay iyon sa akin ni Mommy at lahat ng iyon ay siya mismo ang nagburda kaya wala iyong katulad. I smiled before saying, “I’m glad you remember it, Michiko.” Umakyat siya dahil may kukuhanin din daw siya sa kuwarto niya pagkatapos ay bumaba siya na may hawak na bimpo at iyon ang bimpo na ibinigay ko sa kanya kaya mas lalong lumawak ang ngiti ko dahil itinago niya pala iyon. Kahit hindi niya ako kilala noon ay itinabi niya ang bimpo na ito at doon pa lang ay masasabi ko na mapagpahalaga siya hindi lang sa mga mahal niya kung hindi k

