Gumising ako kinabukasan, wala na sa tabi ko si Bythe. Kaya nagmamadali na akong naligo at magbihis. Alas sais pa naman pero kasi kailangan kong makapasok ng 7:00 AM dahil sa may titingnan kaming site kung saan magpapatayo kami ng condominium. Hindi ako nakatira sa condominium na pag-aari ng kompanya ko dahil sa wala pa ang kompanya ko noon ay dito na ako sa condo na tinitirhan ko namalagi ng mahabang panahon. Saksi ito sa paghihirap ko kaya kahit anong mangyari hinding hindi ako aalis dito. Ipinagtaka ko na wala pang nagdodoorbell, kahit kasi alam ni Bythe ang passcode ay nagdodoorbell pa din siya kapag ganitong maaga at may pasok kami. Lumabas ako, wala talaga siya kailangan pa naming dumeretso sa site ngayon. Imbes na hintayin siya ay bumiyahe na lamang akong mag-isa sa office. Pagda

