Pagpasok ko sa condo ko nadatnan ko si Bythe na mahimbing na natutulog sa sofa. Kinumutan ko siya at akmang aalis na ng hawakan niya ang aking kamay. "Andrew please huwag, Andrew huwag mo akong iwan, huwag." Nakapikit ang mga matang saad niya na ikinabahala ko marahil ay nananaginip ito. Siguro yung sinambit na pangalan na Andrew ay siya ang tinutukoy niyang ayaw niyang mawala sa buhay niya. Naawa ako kay Bythe dahil siya ang tumatayong ama para sa pamilya nila. Naparalyze kasi ang ama nito, siya ang panganay kaya binubuhay niya ang kanyang pamilya. Napahaplos ako sa mukha niya dahil sa hirap na dinadanas niya napakatapang niya na nakayanan niya lahat ng iyon kahit bata pa lamang siya noon. I wish she can have what she deserve, a happy life without worries. Tinapik niya ang kamay ko ng

