Chapter 8

1520 Words
Bukas na bukas ay nagtungo na ako kela Lola at Lolo upang ipaalam ang balak ni Daddy. Hindi kayang suwayin ni Daddy sina Lola dahil alam niyang pwedeng hindi walang ipamana sakanya ang ari-arian niya. At alam ni Daddy na sakin gustong iwan nina lolo at lola ang pag-aari nila. Nagtungo kami agad kela daddy ng mabalitaan nila ang plano ni daddy na ipakasal ako sa kasyoso niya pero dahil mahal ako nila Lolo hindi sila papagyag sa kagustuhan ni daddy. Naiwan na si Lola dahil masama ang pakiramdam nito sa nabalitaan. "Reynaldo!" Sigaw ni Lolo na ikinataranta ko. "Lo hinay-hinay lang po baka po maatake kayo niyan sa puso." Pagpapakalma ko sakanya. "Naparito kayo Pa." Parang tuta na napakaamo kung makipagusap kay Lolo pero malademonyo din naman. "Ano itong mabalitaan ko na ipapakasal mo si Zyra sa anak ni Mr. Costales? Sinong nagbigay sayo ng karapatan upang pangunahan ang anak mo?" Bulyaw na sabi niya na para bang wala ng pasensya na natural sakanya. "Pa, ikaw na nga nagsabi na anak ko siya kaya may karapatan ako na pakiusapan siya," malamyos ang boses habang sinasambit ang mga kataga na iyon. "Zyra naman ipinaliwanag ko naman na sayo diba? Mababangkrupt ang kompanya kung hindi ka ikakasal kay Jun Costales." Saad niya na ikinagulat ko kahit kailan talaga napakasinungalung. "Pero sabi ko naman sayo diba na walang sapilitan." Sabi niya saakin at hinawakan ako sa braso at padin ng padin ang pagkakahawak niya na mamula-mula na. "Daddy wala po kayong sinasabi sakin na ganun ang sabi niyo lang po ay sa ayaw at sa gusto ko ipapakasal niyo ako sa lalaki na hindi ko naman kilala." Madiin na sabi ko upang maala niya. "Huwag mo akong pinagloloko Reynaldo! At sinasabi ko sayo huwag na huwag mo ng pake alaman ang mga apo ko," Turan ni Lolo na ikinapipi no daddy. "Nagkakaintindihan ba tayo?" Mata sa mata na tanong ni Lolo kay daddy. Pagkatapos na makausap ni Lolo si daddy ay inihatid na ako ni Lolo sa dormitoryo na tinutuluyan ko kasama ang driver nila na matagal ng naninilbihan sa kanila. "Magiging maayos ka na na dito apo?" Malambing na tanong ni Lolo. "Oo Lolo, pasok po muna kayo at ipapakilala ko kayo sa mga kaibigan ko." Sabi ko at inanyayahan din si kuya Greg ang driver. Pagpasok ko ay yinakap ako ng mahigoit ni Ana na umabot sa punto na nahihirapan na akong makahinga. "Ana hin..di. ako maka..hinga.." Putol-putol na turan ko. "Sorry, ikaw kasi," sabi niya sabay hampas sa braso ko "Sa sunod huwag ka ng tumakas sasakalin na talaga kita." Saad niya na ikinatawa ni Lolo, napansin naman siya ni Ana at pinukulan ako ng nagtatanong na tingin. "Sino siya?" Nangingiting tanong niya. "Si Lolo, Lolo si Ana kaibigan ko at siya po yung kinekwento ko sainyo." Bulong kong sabi sa huli. "Anong binulong mo?" Nakakunot noo na tanong ni Ana. "Sabi ko magada ka." Pagsisinungaling ko. "Singungaling, sinisiraan po ba niya ako Lolo?" Deretsahan na tanong niya. "Hindi, totoo yung sinabi niya." Nakangiti na usal naman no Lolo. Naks naman si Lolo talaga love na love ako hahahha. "O siya mga apo mauna na ako at malayo-layo din ang biyahe." Pagpapaalam ni Lolo. "Dito na lang po kayo maghapunan," pag-aaya ni Ana. "Yung kanin na lang naman po hihintayin maluto." Dugtong niya pa. "Nako, hindi na dahil hinihintay pa ako ng Lola nitong apo ko." Pagtanggi niya sa alok ni Ana dahil siguro mag-alala siya para sa asawa kung hindi lang dahil sa akin ayaw pa niya sang iwan ang asawa. "Ganun po ba lo, sigeh po mag-ingat po kayo saka hatid na po namin kayo sa gate." Ani ni Ana at nagsimula ng maglakad. "Mag-ingat ka rito apo at kapag ginugulo ka pa ng daddy po tumawag ka samin." Pagpapaalala niya sakin kahit kailan talaga hindi nila ako pinabayaan at maging ang mga kapatid namin. "Opo Lolo, kayo rin po mag-ingat sa biyahe at pasabi na lang po kay Lola na pagaling siya." Turan ko at bineso siya sa pisngi at inalalayan siyang sumakay sa kotse. Kumaway ako sa papalayong sasakyan at sa di kalayuan ay namataan ko sina Gian. Pumasok na ako at hinitay na makapasok sila upang makahinga ako ng tawad, pagpasok nila tinignan ko sila isa-isa. "Sorry guys, at thank you sa concern niya naappreciate ko talaga." Paghingi ko ng tawad at sakanako napayuko. "Okay lang, basta sa susunod huwag ng matigas ang ulo." Sabi ni Zack at saka niya pinat ang shoulder ko. Tinignan ko naman si Vam at Terrence tinanguan naman niya ako pagtingin ko sa likod nila hindi ko na nahagilap si Gian. "Masama loob talaga niya galit na galit ng malaman na tinakasan mo kami." Pagsasabi nila sakin. Nginitian ko lang sila ng mapait at saka tinignan sa harapan si Gian at maroon nga siya nakaupo at malalim ang iniisip. Umupo ako sa tabi niya at napatingin siya sakin, napabuntong hininga ako at tumingin sakanya. "Sorry," sincere kong sabi sa kanya. "Ayoko lang talaga na madamay pa kayo." Pagangatwiran ko. "Pero pinagalala mo kami Zy, sana naman iacknwledge mo yung pagcacare namin sayo." Malungkot na turan niya habang ang mga mata ay nakatingin sa kanyang para. "We're like a family here Zy, hindi kami makakapayag na mayangyaring masama sainyo ni Ana." Mahihimigan mo talaga sa kanyang boses na sincere siya sa mga pinagsasabi niya at sa oras na ito kahit hindi man ako ipinagpala ng ama may mga kaibigan naman akong matatawag kong pamilya. "Kaya sa susunod sana hayaan mo naman kaming samahan ka dahil yun lang ang tangi naming alam upang makatulong sayo." Pangungumbinsi niya sakin para sa susunod at hindi ko na gagawin ang ginawa ko. "Oo na, sorry ulit." Paghingi ko ulit sakanya ng tawad. Katahimikan ang bumalot sa amin ng ilang minuto. "So, kamusta ang pagkikita niyo ng daddy mo?" pagtatanong niya. "Hindi magamda ang kinalabasan," umpisa kong kwento. "Gusto niya along ipakasal sa tanong hindi ko kilala, biruin mo parang sa teleserye ko lang yun napapanood pero nangyayari na sa buhay ko." Malungkot kong sambit. "Hindi ko akalain na aabot siya sa puntong ipapakasal ka." Mahihimigan ang awa sa kanyang boses. "Hindi man na yun kabigla-bigla, expected ko na nga." Nakangiti pilit ako habang sinasambit ko ang mga salita. Hindi ako obsessed about sa love pero mas ayokong ipakasal sa lalaki na hindi ko man lang kilala. "Sa ngayon maging masaya na muna ako dahil sigurado ako na titigilan ako pansamantala ni daddy." Usal ko habang nakating sa mga sasakyan sa kalsada na dumadaan. "Paano pagkaginulo ka na niya ulit? Sampahan mo na kaya siya ng kaso, child abuse na ang ginagawa niya sayo maawa ka naman sa sarili mo Zy." Punong-puno ng pag-aalala habang nag sasalita siya. "Ama ko parin siya Gian, at kahit gaano pa niya ako tratuhin hinding-hindi ko magagawang magsampa ng kaso laban sakanya." Madiin kong sabi at umalis na dahil iba na naman ang patutunguhan ng usapan namin. Pagpasok ko sa loob ay nakita ko ang pinagkainan ni Ana at maging ang ulam at kanin na nakahain sa lamesa, may iniwan niyang sulat bago matulog pagod na pagod ata siya. Kumain na ako at nagshower muna bago mahiga sa bed ko Bigla long naisip ang sinabi ni daddy na huwag na akong bumalik rito, hinding-hindi ako aalis sa bahay na ito kahit na ano pa ang gawin ni daddy mananatili ako rito. Sila ang lakas ko sa mga panahon na ito at hindi ko kakayanin kapag hindi ko sila makakasama lalong-lalo na si Ana. Dahil sa hindi ako makatulog lumabas muna ako para makalanghap ng sariwang hangin. Sa pagbukas ko sa pinto dito sa salad ay yinakap sakin ang napakalamig na hangin, nakakaginhawa siya sa pakiramdam. "Can't sleep?" Hindi ko napansin si Gian na nakaupo sa gilid ng hallway. "Yup, ikaw?" Balik tanong ko. "Nope, gusto ko lang makalanghap ng sariwang hangin." Sagot naman niya. "Naranasan mo na bang nagamit lang?" Biglaan na tanong ko dahil hindi ko maiwaksi sa isipan ko ang pinaggagawa sa akin ni daddy. "Hindi, pero ang talikuran, oo." Malungkot niyang sabi. "Bakit ba galit na galit sa atin ang mundo wala naman tayong ginagawang masama." Sabi ko habang dinadama ang lamig sa aking katawan. "Kasi masyado kang mabait, hindi naman masamang maging mabait pero sana maging mabait ka din sa sarili mo." Nakatingin siya sakin habang nagsasalita. "Pero hindi ko alam kung paano." Sambit ko habang nakatulala sa dahon na naulanan. Hindi ko naman hiningi na maging mabait pero sa totoo lang nakakapagod din kung hindi lang talaga para sa mga kapatid ko at kay mama matagal na akong nagpakalayo-layo. "Gabi na matulog ka na para makaipon ka ng lakas para bukas." Litanya ni Gian at tumayo na. "Good night." Huling sabi niya at nagtungo na SA kwarto nila. Ang madilim na gabing ito at hindi nagdulot ng takot sakin kundi isang komportablenna pakiramdam na nakakahinga ako kahit papaano. "If parallel universe really exist, I wish my other self is not suffering right not and feel the true happiness that life could not offer to everyone." Mahinang usal ko at saka napahinga ako ng malalim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD