Alas kuwatro ng madaling araw nagising ako dahil sa nauuhaw at nilalamig ako. Sinubukan kong tumayo para kumuha ng tubig pero sa kasamaang palad nanginginig ang paa ko kaya hindi ko mailakad ng maayos kaya nagkumot na lang ako at sinubukan na matulog ulit dahil maaga pa, hapon lang ang klasse namin today "Zy gising na, kain na tayo," Sigaw ni Ana sa, narinig ko na lamang ang yabag at ang inaayos niyang hapagkainan dahil naririnig ko ang mga plato na maingat niyang inilalagay sa lamesa. "Zy alas dose na di ka pa nakaligo, halika na at kumain muna tayo bago ka maligo." Pagtawag niya ulit sakin ng di ako gumagalaw. Napilitan akong tumayo at naupo sa lamesa pagtingin niya sakin ay nakakunot ang noo. "Anong nangyari sayo? Bakit ang putla-putla mo?" Nagaalala na tanong niya at sinapo ang noo

