Hindi ko pinaalam kay Lolo ang nangyari maging kela mommy at pasasalamat ko na lang na walang nakarating na balita sa kanila. "Zy, Zy," pagtawag sa akin ni Ana ni gumising sa malalim kong pag-iisip. "May sinasabi si sir." Nagbababala ang mga tingin niya sa akin mukhang nairita si sir dahil sa akin, tumayo ako kahit na hindi ko alam ang nangyayari. Nakatayo lang ako at hinihintay ko ang sasabihin niya ngunit umalis lang siya ng hindi man lang lumilingon. "Ano yun?" Mahina na tanong ko kay Ana na nakikipag chikahan sa mga kaklase namin, clueless talaga ako. "Yung mga files daw ni sir sa harap ipunta mo sa faculty office sa lamesa niya dahil may pupuntahan siya." Sabi niya at bumalik na sa pagkukwento. Pinauna ko na si Ana umuwi dahil gusto ko munang mapag-isa at mag isip-isip. Hindi ta

