"Hindi na ako sasama," nangangatal ang bibig ko dahilan upang magsalubong ang kilay ni Ana. Papasok na ako sa loob ng higitin ni Ana ang aking braso. Nakikipagsukatan ako ng tingin sa kanya pero ako din ang unang bumitaw. "Ana please, please lang wag ngayon." Nakikiusap ang mga mata ko na tumingin sa kanya. Hindi siya nagsalita at binitawan ang aking braso. Sa oras na makapasok ako sa loob ay ni lock ko yung pinto, sorry na lang kay Ana hindi ko na kasi kayang pigilan ang luha kong kanina pang gustong tumulo. "God help me please, help me again." Nakikiusap kong sambit na umaasang pakikinggan niya ako. Nawawalan na talaga ako ng pag-asa dahil sa wala na akong maisip na pwedeng tumulong sa akin. Mag-isa lang ako at ayoko naman na idamay pa ang mga kaibigan ko sa gulong kinasasangkutan k

