Maaga akong gumising para ipaghanda sina kuya Sam ng kanilang makakain at magsisimba kami ni Ana. "Kuya kain muna po kayo, pasok kayo sa loob" -Zyra Messages ko kay kuya Sam binigay nila ang kanilang phone number incase na kailangan ko sila. "Naku, wag na Zyra nakapag kape na kami" -kuya Sam "Nakaluto na ako kuya, sayang naman tong pagkain lalabas kasi kami mamaya baka sa labas na din kami kumain" -Zyra Napilitan silang kainin na lang ang niluto ko dahil masisira ito pag hindi pa ginalaw ngayon. "Zy samahan na namin kayo," Suhestiyon ni kuya Gary. "Hindi na po kuya tatawag na lang po ako sakali man na may kahinahinala sa paligid" Pagtanggi ko sa alok niya at buti na lang nasa loob pa si Ana. "Sa paligid niyo lang naman kami hindi kami lalapit, mas mabuti na mag-ingat tayo hindi

