"Bakit di mo sinabi sa akin?" Pagbaling ko kay tito pagka alis pa lang nila. "Para naman din sa kapakanan mo yun at saka sigurado ako noon na bibigyan ka nila ng magandang buhay na hindi ko kayang ibigay noon." Malungkot niyang sabi. "Pero ngayon na kaya ko na at alam kong ginagamit ka ng papa mo at sinasaktan, hinding-hindi na ako susunod sa sasabihin nila." Puno ng galit ang kanyang mga mata kaya hinawakan ko ang kanyang kamay para pakalmahin siya. "Magkamatayan man kami Quin hinding hindi ko hahayaan na saktan ka nila," Naluluha na siya. Hindi siya yung tipo ng tao na mababaw ang luha pero pagdating sa akin at kay mama Jemma noon ay umiiyak siya kahit napakaliit na bagay lang naman. "Tito hindi naman ako makakapayag kapag nagkataon, dahil katulad ng pagprotekta niyo sa akin ay prop

