Nahuhuli akong naglalakad sa kanilang dalawa. I'm busy searching for something to be a present. Sa paglalakad ko may kumalabit sa likudan ko. Napahinto naman ako at tinignan ko ito, dahil doon nabangga ako ng mga taong dumadaan. Na-out of balance ako. Hinintay kong bumagsak, but someone grabs my waist. Pagtingin ko si Dayne pala siya. Unti-unti itong ngumiti sa'kin. "Too clumsy, Miss." sabi nito sa'kin. Napanguso naman ako dahil roon. "Ikaw kasi." usal ko rito. Tinulungan niya naman akong tumayo at bahagya akong lumayo sa kanya. Napakunot naman noo niya. "Bakit ako?" tumango naman ako rito. "Oo, kasi hindi ba nangalabit ka--- so need kong tignan ko kung sino iyon. Kaya napahinto ako." paliwanag ko naman dito. Bahagya naman itong natawa. "Sorry, Miss. It's my fault." saad nito sa'ki

