Chapter 27

2135 Words

Anong oras na pero wala parin si Razen. Naka upo ako sa gilid ng hagdan dito sa labas ng bahay. Kanina pa ako naka uwi. Nakaluto na ako ng hapunan, nakakain na ako pero si Razen hindi parin dumadating. Akala ko ba uuwi siya? Pero mag alas-nuwebe na ng gabi wala parin kahit anino niya. At naalala ko, kasama niya pala ang kababata niya na kung makalingkis sa kanya daig pa ang linta. Nilalamok na ako sa kakahintay. Aasa pa ba ako na uuwi siya? Parang nakalimutan na niya kasi na may asawa siyang naghihintay sa kanya sa bahay. Baka hindi na iyon uuwi. Pinapagod ko lang ang sarili ko sa paghihintay kung pwede namang matulog. Makabalik na nga lang sa kwarto. Sinigurado kong naka lock lahat ng mga pinto at bintana. Pinatay ko rin ang mga ilaw mula sa ibaba hanggang dito sa itaas. Bahala

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD