"Zac!" Napatingin ako sa aking kamay na binitawan ni Razen at sinalubong ang babae na patakbo na bumaba ng hagdan. "Careful.." Hindi nakinig ang babae. Sabik na itong makalapit sa kanya. "Oh my god! I missed you! " Sinalo siya ni Razen nang patalon niya itong niyakap. Napa atras pa si Razen nang mawalan ng balanse sa pagkabigla. Nanlaki ang mata ko kasabay ang pag awang ng aking labi nang sakupin ng babae ang kanyang mukha at mabilis na hilakan si Razen sa labi. Kusa siyang bumaba sa bisig ni Razen. Niyakap niya ito sa baywang. Ang mga masayang ngiti sa kanyang labi ay hindi mapalis. Hindi ko alam kung ano ang reaksyon ni Razen dahil nakatalikod siya sa akin. Bigla, pakiramdam ko nabalewala ako. Na saglit niya akong nakalimutan. I can't deny na nasaktan ako sa pagbitaw niya b

