Gueene pov: Totoo nga ang narinig ko. Na hindi peke ang kasal namin. Hindi ko na kailangan ng pruweba dahil si attorney na mismo ang nagsabi. Ngunit kailangan ko parin malaman kung bakit at ano ang dahilan. Paano ko nalang ito matatakasan balang araw? "Hindi ko alam itong sinasabi mo, Gueene, " aniya. May kinuha siya sa kanyang bag at inabot iyon sa akin. "Narito ang address ng law firm ko at ng numero ko. Puntahan mo ako o kaya tawagan kapag may oras ka. Hindi ito ang tamang oras para pag-usapan natin iyan. Mukhang may pupuntahan ka pa. " "S-Salamat, attorney." Mahina niya akong tinapik sa balikat saka umalis. Nanghihina na umupo ako sa gilid pinapakalma ang sarili ko. Hindi muna ito ang iisip ko. Ang anak ko na nandoon sa loob muna ang alalahanin ko. Siya muna. Siya ang mahalaga di

