Gueene pov: Malalim na ang gabi ngunit narito parin ako sa gilid ng bintana nakatanaw sa kawalan. Iyong anak ko kanina pa humihilik. Kung hindi ko pa pinagsabihan si Razen hindi pa matigil ng pag-uusap nila kanina. Gusto kong magalit sa kanya. Sa pagsisinungaling niya sa akin. Sa paglihim tungkol sa kasal namin. Okay sana kung pareho kami ng nararamdaman, ngunit hindi. Ako lang kasi iyong nagmamahal. At hindi na ako aasa na mahalin niya rin ako katulad kung paano ko siya mahalin. Ang hindi ko lang alam ngayon ay paano siya haharapin at umakto na walang alam sa nangyari sa kasal namin. At lalo na ngayong napatunayan kong siya at si Zen ay iisa. Hindi ko alam ang gagawin ko. "Mama... " Bumalik ako sa kama at tinabihan siya. Kaagad siyang sumiksik sa bisig ko ng yakapin ko siya. Maya-

