Nasa loob na kami ng sasakyan ngunit pakiramdam ko naiwan sa loob ng city hall ang diwa ko. Hindi parin ako maka get over sa kissing scene na naganap. Mga sampong segundo lang naglapat ang labi namin pero hanggang ngayon ramdam ko parin ang malambot niyang labi. Narinig ko ang mahiyang pagtikim niya. Hindi ako umimik. Kahit ang lingunin siya hindi ko ginawa. Nakahalukipkip ako at sa labas ng sasakyan ang tingin. Bigla akong nakaramdam ng pagka ilang. Sa samo't saring naramdaman ko dahil sa paghalik niya, saglit kong hindi naramdaman ang kanina ko pang kumikirot na balakang. "Ihinto mo muna ang sasakyan, " mahinang usal ko nang makadaan kami ng drug store. "Bakit?" tanong niya na nasa drug store ang tingin. "Marami pa naman stocks ng gamot sa bahay. " Guilty na lumingon ako sa kanya.

