Chapter 17

2121 Words

Bukas na ang kasal namin. Ang fake marriage pala. At kinakabahan ako. Kanina pa ako hindi mapakali. Ang daming tumatakbo sa isip ko na mga negatibong bagay. Wala si Razen. Maaga itong umalis kanina para kausapin ang kaibigan niyang judge na magkakasal sa amin bukas. Kaya nandito ako sa kanyang silid at kanina pa palakad-lakad at hindi ma pirmi. Dumating na ang mga damit na susuotin namin bukas. Nasa loob ito ng malaking kahon at hindi ko pa nabubuksan. Hintayin ko nalang ang pag-uwi ni Razen para sabay naming tingnan itong mga damit. Napatingin ako sa pinto nang bigla iyong bumukas. Napatayo ako ng tuwid nang pumasok si Ma'am Elizabeth. Hindi ko mabasa kung anong emosyon mayroon siya. Kaswal lang ang kanyang mukha ngunit lumalabas ang pagiging mataray niya. Napalunok ako nang maglakad

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD