Sanay ang katawan ko sa trabaho. Pero ang magtrabaho buong araw ng walang kain hindi ko kaya, hindi ako sanay. Kaya mabilis akong manghina. Pagkalabas ko ng silid nakasalubong ko si Ma'am Elizabeth. Iniyuko ko ang aking ulo pagbigay galang kahit hindi naman niya deserve iyon. Lalagpasan ko sana siya nang magsalita siya na ikinatigil ko. "Punasan mo ang mga railings nitong hagdan mula doon sa itaas hanggang doon sa ibaba, " diniro niya ang sintido ko. "At kapag narakating sa anak ko na pinagtrabaho kita rito, malintikan ka sa akin! Naintindihan mo?! " mariin na usal niya. Kandalunok na tumango ako. Napahawak ako sa pader nang mapaatras ako ng banggain niya ako sa balikat at tuluyang lumakad papunta sa pupuntahan niya. Hindi ko alam ang pasikot-sikot nitong bahay kaya hindi ko alam kun

