Nagsukatan kami ng titig. Gusto kong sabihin sa kanya na kaya ako naglilinis dahil ito ang gusto ng kanyang ina. Gusto kong sabihin na sinasaktan ako ng nanay niya hindi lang sa salita kundi pati sa pisikal. Ako ang unang umiwas ng tingin. Baka kapag nakipagtitigan pa ako sa kanya baka hindi ko mapigilan ang pag patak ng aking mga luha. Kinuha niya ang mop na hawak ko. "Alam ko naman iyon, Gueene pero..." Hinarap ko siyang muli dahil ang kulit niya. Ayaw niyang magpatalo at ayaw niyang pagbigyan ang gusto ko. "Hayaan mo na ako sa gusto ko! " Umawang ang kanyang mapulang labi ng marinig ang iritable kong boses. May kalakasan rin iyon at batid ko narinig iyon ni Ma'am Elizabeth sa ibaba. Pumungay ang kanyang mga mata na nakatunghay sa akin. "Galit ka ba sa akin?" ako naman ang natigila

