“So they're really pushing your marriage now.” Ngayon ko lang nasabi sakanya ang mga nangyari noong nagdaang linggo. Akala ko hindi nila pagtutuunan ng pansin ito pero mukhang seryoso na sila. Nakita ko ang panggagalaiti ni Amanda ng sabihin niya yun. Hindi ko siya masisi dahil kahit ako hindi talaga ako pabor. “What's your plan? I hope it's not stupid as mine.” Tinignan ko naman ito kung nagbibiro ba siya. Naalala ko naman ang ginawa niya dati.
“Nagpapatawa ka ba? Gusto mong makipagtanan ako? Kanino naman?” Natatawang saad ko. Mukha namang naoffend siya sa sinabi ko dahil sumimangot lang ito.
“Sa boyfriend mo? Kay Sionne.” Proud pa nitong sabi. Kaya natawa muli ako.
“Inaamin kong gusto ko siya pero wala pa ako sa point na makikipagtanan na ako sakanya. Saka hindi ko alam kung may gusto rin siya saakin.”
“Don’t tell me hanggang ngayon nagdududa ka pa rin na may gusto siya sayo? Lagpas isang buwan na kayo. Hindi mo ba na realize yun.”
“Na ano? Ano naman kung mahigit isang buwan na kami. Ni hindi ko nga alam kung ano talaga ang binabalak niya.” Kahit ako nafrufrustrate na rin. Marami akong tanong na gusto sabihin sakanya pero hindi ko ring masabi dahil sunod-sunod ang problema ang dumating saakin. Hindi ko man aminin pero tuwing magkasama kami nakakalimutan ko panandalian ang problema sa bahay. Ang problema kinakaharap ko.
“Sis, ayoko man sabihin ito, pero mukhang wala na rin siyang balak ipaalam sayo.” Pasuspense pang sabi nito. Hinihintay ko naman ituloy niya ang sasabihin pero hindi ko maintindihan bakit bigla akong kinabahan. “Pero ayoko ring makitang kang walang kaalam-alam sa mga nangyayari. At first nagalit ako kay Tristan dahil nito linggo niya lang rin pinagtapat saakin.”
“Anong dapat kong malaman?” nalilitong tanong ko. Ibig sabihin ba talaga nun may binabalak siya.
“But please, nakikiusap ako sayo na patapusin mo ang lahat ng sasabihin ko dahil kung hindi mamis-interpret mo lahat ng ito. Alam ko pa naman yang ugali mo.” Nag-aalalang sabi nito. Mukhang kilang-kilala ako ng kapatid ko. Huminga naman ako ng malalim bago sumang-ayon sakanya.
“Start then.” walang ganang sabi ko.
“You’re a part of his initiation.” Umpisa nito na ikinunot ng noo ko. I knew it. “Hindi ka magrereact?” nag-aalangang tanong pa nito. Akala ko ba patatapusin ko siya? Yun na ba yun? Ang sarap rin kutusan ng kapatid ko. But then..
“I already know that. Hindi rin ako tanga pero hindi ko alam kung anong initiation na kinakailangan pa ako. Bakit na sangkot ako?”
“Dahil ikaw ang napili niya noong time na yun. Akala niya magiging madali sakanya ang lahat pero doon siya nagkamali. Pinilit pa raw siyang sa iba na niya gawin ang initiation pero hindi siya nakinig. Kaya--” I interrupted her.
“Anong initiation sakanya?” seryosong tanong ko. Napatigil ito saglit at huminnga ng malalim bago sinagot ang tanong ko.
“30 day's challenge. Kailangan niyang makahanap ng girlfriend at makipag break pagkatapos ng 30 days. I know it’s lame, pero satingin ko seryoso na siya sayo.”
“At paano mo naman nasabi ang mga yan?” pagdududa ko.
“Because 2 weeks ago humingi siya ng bagong initiation at sinabi niyang hindi niya kayang gawin ang pinapapagawa sakanya. And that only means he doesn’t want to break up with you. Pero kung may mga doubt ka pa rin sakanya, siya na rin mismo ang tanungin mo.”
“Please, makipag-usap ka ng mahinahon, alam kong galit ka dahil—” pagputol ko ulit sa sinasabi niya.
“Alright, I Get it. Huwag kang mag-alala gagawin ko payo mo.” Yes, galit ako dahil para niya akong pinaglalaruan but then kung totoo nga ang sinasabi ni Amanda na satingin ko wala naman siyang rason para magsinungaling saakin. Bakit nga ba hindi niya tinuloy? Natatakot ba siyang ipasalvage ko siya? Pero ang tanong ko ulit ano yung hiningi niya ulit na initiation?
“Anong initiation ang ibinigay ulit sakanya? May kinalaman pa rin ba saakin?” Kung oo, ipapasalvage ko na talaga siya. Nakita ko naman itong ngumiti at umiling saakin.
“Siya na ang tanungin mo pero nasisigurado kong wala ng kinalaman yun sayo.” Pag-assurance naman nito. Nakahinga naman ako ng bahagya sa sinabi nito. “Halika ka na, for sure tapos na silang nagpractice sa mga oras na ito. Sabay na tayong pumunta ng gym.” Pagyaya naman nito. Napatingin naman ako sa orasan ko it’s only 5 pm. Ang alam ko 6 pa ang tapos ng practice nila mukhang maagang natapos ngayon.
“Maaga silang natapos ngayon?” nagtatakang tanong ko.
“Huh? Every Saturday naman 5pm ang talaga sila umuuwi.”
“Hindi ba nagagabihan sila parati?” Kaya hindi na ako nagpapahatid kay Sionne dahil nung minsan na sabi na inihatid niya ako. Sabi nito babalik pa siya ng school kaya sa pagkakaalam ko ay may practice pa sila.
“Sa pagkakaalam ko wala pa silang laban kaya hindi pa puspusan ang training nila.” Hindi ko alam kung mag-ooverthink ba ako pero.. “Hindi mo ba alam na maaga silang umuuwi?”
“Sa pagkakaalam ko kasi nagagabihan sila dahil sa practice kaya hindi na ako nagpapahatid.”
“Maybe may kinalaman yun sa initiation niya ngayon.” Medyo naintriga naman ako sa initiation na yan. Ano ba talagang meron? “Alam kong curious ka na kaya bilisan natin para malaman mo kung ano talaga ang hindi pa niya sinasabi sayo.” I may want to push my sibling to tell the truth, but if this is the moment to find out the truth, then I'll face it. Whether it's good or bad.