SWEET 6

1256 Words
Katatapos ko lang maligo at naghahanap ng idadamit ko, alam mo yung feeling na maraming ka namang damit pero wala kang mapili. It's girl's struggles. Nakaalis na sila mommy at bago pa siya makaalis ay sinabi nito magsuot raw ako ng dress para presentable. Ano haler? Hindi kailangang magpaimpress sakanila. Kung ayaw nila ako mas ayaw ko sakanila. Hindi ako yung tipong na taong gagawin ang lahat para lang i-please ang ibang tao. Narinig ko namang may kumatok kaya kumuha lang ako ng jeans at blouse siguro okay na ito. " Ano ready ka na ba?" Tanong ni ate cel " Okay na po." Sinara ko naman yung kwarto ko. Nakita ko namang nakatingin si ate cel saakin. " Ikaw talagang bata ka hindi mo nanaman sinunod ang mommy mo." Sabi nito habang napatingin sa suot ko at napailing. "Okay na ito. Wala namang special na okasyon ngayon." "O siya sige halika ka na at naghihintay na yung susundo sayo." Tumango naman ako at sumunod na lang sakanya. Pagkalabas namin nandun na ang sinasabi ni Ate cel na susundo saamin. Sinama ko na siya dahil madami kaming dalang pagkain hindi ko ba alam bakit marami itong niluto for sure naman marami rin silang pagkain dun. Upon our arrival, I was no longer amazed by how large their mansion was. However, I admired the exterior of their house; you wouldn't think that a Chinese family lived there because of its European style. Many people immediately welcomed us, as if they were expecting our arrival. They assisted us in carrying our belongings. I saw an elderly woman approaching me. She looked sophisticated, and even though we were just at home, you could tell that she wasn't wearing ordinary clothes. It seemed like she either carefully chose her attire or prepared for my visit. "I'm glad you came iha.. Welcome to our home." Sabi nito... nakipagbeso-beso pa ito saaming dalawa ni Ate Cel. Hindi ito maarte katulad ng ibang kakilala kong mga mayayaman. Pagkapasok namin ginayak niya kami sa living room ng mansyon nila. Nilibot muli ng mata ko ang loob ng bahay nila kung gaano kaganda ang labas mas maganda ang loob at kahit ate Cel manghang-mangha. "Maupo muna kayo. Sorry pinapahanda ko pa ang lunch natin. Nasabi pala ng parents mo na hindi sila makakapunta dito ngayon, sayang naman. But it's okay may next pa naman hindi ba, iha." Sabi nito habang nakangiti saakin. Ngumiti naman ako hindi ko iniexpect na ganito kadaldal si Mrs. Venice. Napansin kong siya yung tipong na hindi uso kanya ang dead air or ackward. "Oh my I'm sorry for what I've acted..hindi pa pala ako nakakapagpakilala. You can call me tita Venice. Pero pag kasal na kayo nang anak ko Mama na lang" Napangiwi naman ang dapat ngiting ibibigay ko sakanya. Hindi naman siguro siya nagmamadaling ipakasal ang anak niya, hindi ba? "Okay lang po yun. I'm Miranda po at si Ate Cecil po kasama po namin sa bahay." "Nice meeting you mga iha." Ngumiti naman ito saakin. "Pwede bang maiwan ko muna kayo saglit?" tumango naman kami akala ko tatayo ito at may kukunin pero may pinindot ito sa gilid niya hindi ko alam kung para saan yun pero maya-maya lumabas ang isa sa mga katulong nila. "Ano pong maipaglilingkod ko madam?" Magalang na sabi nito. "Paki gising na nga si Yuan at Yī ēn nandito na ang mga bisita hindi parin sila nagigising." "Pagpasensyahan niyo na hindi ko pala nagigising ang anak ko. Nagparty kasi sila kagabi dahil sa pagkapanalo nila sa laro nila kahapon. Nasabihan ko naman siya kahapon na darating ka kaya wag kang mag-alala.. ” " Okay lang, tita" "Kahawig na kagawig mo talaga ang daddy mo. You're a man of a few words." Hindi ko alam kung complement ba yun or what kaya ngumiti na lang ako. "By the way nagugutom na ba kayo?" "Hindi pa naman po tita." "Gusto niyo bang maglibot sa mansyon? Wag kayong mahihiya.” Umiling naman na ako dahil sa totoo lang mas gusto ko pang umuwi na lang “Alam ko na sa garden na lang tayo" buti pag mga lalaki hindi masyadong mahipit ang mga magulang. Nasa gazebo kami at panay kwento ni Tita Venice tungkol sa mga anak niya, Wala na akong naiintidihan dahil hindi naman ako nakikinig sakanya at wala akong pakialam nililibot ko lang nang ang paningin ko sa buong lugar. “Oh there he is… Napakakupad talaga nang batang to.” Rinig kong sabi ni Tita Venice kaya naman napatingin ako sa tinitignan niya. Napatanga naman ako dahil sa nakita ko parang nakita ko na siya kung saan. Hindi na ako magtataka kung gwapo or maganda ang mga anak ni Tita Venice dahil siya palang maganda na pero hindi ko aakalain na ganito ang kinalabasan. Kung nandito lang si Gia ngayon baka sa sabahin nun ay may pang-ulam na. “Meet my son.. Yuan.” Nakangiting pakilala niya sa anak niya yung anak naman niya ay halatang hindi nagugustuhan ang nangyayari mukhang isang arogante uli. May naalala tuloy ako sa ugali nito. “Yuan this is your ate Miranda and ate Cecil.” Sabi naman nito kaya nagulat ako dahil akala ko siya yung ipapakilala saakin ‘Ate? So ibig sabihin mas matanda ako sakanya.’ Pero hindi halata. Siguro dahil matangakad kasi siya at sinabi rin ni tita na nasa Senior High pa lang siya. “Akala ko ba kakain na tayo bakit dito niyo pa naisipang kumain. Ang corny niyo talaga Ma kahit kailan.” Supladong sabi nito sa nanay. Wow nasasagot lang nila ang mommy nila nang ganyan. Pero ang cool nilang tignan para lang silang magkapatid. “Hey, watch your mouth… Nasan pala ang kuya mo?” “Hindi niyo alam? Maaga siyang umalis kanina. May practice daw sila.” Hindi ko alam kung maiinis ba ako or matutuwa dahil hindi ko makikita ang ipapakilala saakin. Pero mabuti na rin yun dahil hindi ko alam kung ready na ba akong makita siya. But, On the other hand gusto ko rin siyang makausap para i-convinced siya. Satingin ko naman kasi na hindi rin siya pabor sa set-up na ito. Pagkatapos naming kumain nagkwento lang si Tita Vinice at mukhang na boring na ang anak nito kaya umalis na pero hinayaan na lang rin niya. Hindi naman nakakaboring magkwento si Tita dahil magana itong magkwento at nakakatawa. May sense of humor siya no wonder nainlove sa kanya ang asawa niya. "Gusto niyo bang maglibot sa mansyon?" Pagyaya nito ulit saamin. Oo nga pala hindi pa namin nakikita ang kabuuan ng mansyon niya. kumbaga ng pumasok kami kanina ay hanggang sa living room tapos nandito na kami sa garden niya. Pero sa tingin ko hindi ko na rin kailangan libutin. "Hindi na po tita, magpapaalam na rin ho sana kami dahil may pupuntahan pa po kasi ako. Makikipagkita kasi ako sa mga kaibigan ko ngayon." Magalang na pagkakasabi ko sana hindi siya na-offend. "Ganun ba, sige maybe next time. Sana makadalaw ka ulit." hopeful na sabi nito kaya medyo nakaramdam ako ng guilt. Ang bait kasi ni Tita kaya feeling ko kapag narerequest siya hindi ka pwedeng tumanggi. "Sige po next time kapag hindi po kami busy sa school, dadalaw ulit po kami." yumakap ito saakin kaya gumanti rin ako sa pagkakayakap niya. Hindi ko alam kung bakit ang gaan ng loob ko sakanya sana ganun rin ang anak niya kapag nagkita kami ay madaling pakiusapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD