Nakauwi na ako sa bahay nang madatnan ko sina Mommy at Dad na may kausap sa sala pero maya-maya rin ay tumayo na ito at nagpaalam na. Nakita naman ako nito ng palabas na siya ng bahay namin at ngumiti ng bahagya. Lumapit naman ako sakanila at bumati kay dad, humalik naman si mom sa pisngi ko. Ilang araw na rin mula noong nagkasagutan kami ni Dad hindi ko pa rin alam kung hihingi ba ako ng tawad sakanya.
“Iha! Maupo ka muna. How was your day?” ngiting tanong ni mommy saakin kaya ngumiti naman ako ng bahagya.
“ Fine ..as usual.. You wanted to talk to me right?. What is it this time?” hindi maiwasang ang pagiging sarcastic na sabi ko, nahimigan naman ni dad kaya sinita ako nito.
“Umayos ka sa pananalita mo Miranda, Pinalagpas ko nangyari dati pero kapag may ginawa kang hindi ko magugustuhan. Hindi ko alam kung anong pwedeng kong magawa sayo.” Pananakot nito. Natahimik na lang ako pero binasag naman agad ni mommy yung tensyon saaming dalawa ni dad.
“Wag na kayong mag-ayaw na dalawa. Gusto lang naming sabihin na hindi ka pa ikakasal sa ngayon.” Napangiti naman ako nang bahagya pero hindi ko ito ipinahalata, pero ano daw? "PA" ibig sabihin may balak sila hindi nga lang ngayon hindi ko alam kong matutuwa ako sa binalita nila o hindi.
“Kailangan mong makipag kita bukas, huwag kang mag-alala ipasusundo kanya dito at sa bahay ka nila manananghalian. Please don't be rude to them anak. ok?” sabi ni mommy tumango na lang ako at nagpaalam na lang ako. Bahala na nga. Nawalan na ako ng gana.
Pagdating ko sa kwarto, kwarto namin ni Amanda binaba ko lang yung gamit sa sofa at humiga sa kama ko. Nakatigtig lang ako, hindi ko alam kong ilang minuto o oras na nakatunganga kung wala pang kumatok sa pinto ko baka hindi ako makabalik sa realidad. Kumatok pa ito ng isang beses pero hindi naman malakas. Kaya tumayo na ako para pagbukasan kung sinong nasa labas.
“Ms. Miranda, kakain na daw ho kayo. Pinapababa na kayo ng magulang niyo.” Sabi ni Ate Cecil isa sa kasambahay namin, I dont prefer to called them katulong or yaya parang pangit lang sa pandinig. Mas sila pa kasi ang tinuturing kong pamilya ko rito, dahil sila yung kasama ko tuwing wala ang parents namin ni Amanda. Lalo akong napalapit sakanila ng umalis na nang bahay si Amanda.
“Ate Cil, ayokong makisabay sakanila alam mo yan.”
“Pero kasi Ms. Miranda..” tinaasan ko siya ng kilay sinabi ko kasi sakanya pag kaming kami lang ang nag-uusap dito Miranda or Mira ang itawag saakin. Mas matanda kasi si Ate cecil mga 30plus na rin ito at 5taon na siya dito saamin. “Mira. Kasi gusto ka rin nilang makasama sa hapagkainan, matagal-tagal rin nung huli kayong nagsalo-salo. Pagbigyan mo na. Pamilya kayo pero kung ituring mo sakanila. Hindi mo kilala. ” tumango na lang ako bilang pagsang-ayon.
“Sila naman ang unang lumayo saamin ng kapatid ko, kaya wag nilang isusumbat saakin na naging mabuting magulang sila.” Sumabay na akong maglakad sakanya.
“Tama na yan, malay mo lumapit uli ang loob mo sakanila ngayon.”
“Hindi ko na hihiniling yun, ngayon pa na nadagdagan ang kasalanan nila saakin.”
“Ikaw talagang bata ka, O siya nga pala aalis nanaman ang magulang mo kaya siguro gusto ka uli nilang makasama. Gusto mo bang samahan kita bumili nang ingredient para sa lulutuin mo?” pag-iiba nito ng topic. Napatango naman ako, bibili ako ng mga ingredients ko gusto kong magbake.
Nakarating ako ng dining table at nakita kong kumakain na ang mga ito nasa kabesera si Dad at katabi naman nito si mommy sa gilid niya. umupo naman ako sa opposite na inupuaan ni Mommy. Tahimik lang akong kumukuha ng pagkain at ingay lang ng mga kuberyertos ang naririnig. Pero binasag ni Mommy ang katahimikan kaya napatingin lang ako sakanya si dad naman pinagpapatuloy ang pagkain.
“Ano kaya anak kung,, bago ka pumunta sa bahay ng manugang mo bukas. Ipagluto mo sila at dalhin mo bukas doon.” Tuwang tuwa na sabi nito. Kaya hindi ko na ito pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain pero nagsalita uli ito.
“Sapag kakaalam ko mahilig rin sila sa Filipino dishes. Alam ko mahilig yung anak nila sa Adobo, ipagluto mo siya bukas nun.” Tumango na lang ako, So ako pang magpapaimpress sakanila ganun. Nawawalan na tuloy ako ng gana.
“I'm done, babalik na po ako sa kwarto ko.” Pinunasan ko ang makabilang gilid ng bibig ko gamit ang table napkin at tumayo na. hindi ko na hinintay kung may sasabihin pa ba sila at umakyat na ako papuntang kwarto at doon sinara yung pinto ko. Hindi ko ito nilolock dahil minsan pumapasok sila ate cecil para ilagay yung mga damit ko o kaya naman ay aayusin yung kama namin.
Dahil wala akong magawa ngayon, nagbukas lang ako ng f*******: saglit. Pagkatapos ko kasing gumawa ng assignment ko kahit sa Monday pa ay ginawa ko na lahat para wala akong proproblemahin. Kaya ito ako ngayon nag-isscroll lang ako ng mga updated ngayon. May mga friend request tinignan ko lang mga nasa 200 siguro maraming nag-aadd saakin lalo ng nang malaman nila na girlfriend na daw ako ng isa sa mga sikat na players ng school at sinasama pa ako sa group nila. Wag kayo kasama yung tatlong mga baliw na kaibigan ko hindi ko alam kong sinong founder nitong grupong ito at lahat ng nakalagay dun ay mga schedule ng laro o di kaya naman mga stolen ng bawat players, habang naglalaro man o hindi. May 15k na followers ito at yung admin and members ay 30 plus lang. pang 31 pagsumama ako. kaya inaccept ko na ito.
Maya-maya pa ay may nagpop up sa messenger its a group chat, nagthank you sila dahil inaaccept ko daw yung friend requested nila chinat ko naman sila at nag welcome lang baka sabihing seener ako. maya maya pa ay nag message na yung mga baliw kong mga kaibigan at himala pati rin si Kei. Tinutokso tukso nila ito sa chat ng kung anu-ano pa rin si Amanda.
“Bakit kami parati ni Amanda ang tinutukso niyo dito sa GC meron tayong bagong member ngayon. Siya naman ang tuksuhin niyo.” Chat ni Kei, himala madaldal sa chat tong babaeng to pero sa personal parang pusa.
“Kaya naman, kawawa na kami” — Amanda tapos may emoticon pa na nakapout.
“Oo nga kamusta na kayo ni Papa Sionne?- Fleur
“Nagtatampo ako sayo, Mira inagaw mo si Papa Sionne.”- Solene
“Kala namin single pa siya ng pumasok siya sa school yun pala kayo na pala.”- Anaelle
“Kaya nga!.. yun ba yung reason kong bakit siya lumipat ng school natin?”- Kaye
“Hindi” nachat ko na lang, hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko at totoo naman.
“OMG.. nagseen lang si Ms. Miranda.. ayaw sagutin ng matino yung mga chat natin girls may tinatago.” Tuksong chat ni Gia..tama nga andami nilang chat saakin na hindi ko nasasagot dahil na kaopen lang yung messenger ko kaya nasiseen ko nga ito.
“hayaan niyo na lang…we understand naman kung private ito. ” Lylia. Madami pa silang chinat pero binabasa ko lang ito at maglalog-out na sana ako pero may nagchat saakin nagulat ako saglit dahil ngayon lang siya nagchat saakin. Sunod-sunod ang chat nito saakin kaya hindi ko alam kung rereplayin ko.
(Hey?)
(Are you still mad?)
(Hey! Please reply.)
(I'm Sorry )
Natawa naman ako sa huling chat nito bukod kasi sa nagsosorry siya may kasama pang emoji na umiiyak. Hindi ko alam pero nakita ko na lang ang sarili ko na nagrereply sa chat nito.
"Hindi ako galit. Anong kailangan mo?"
"Kailangan agad? di ba pwedeng kamustahin ka."
"Hindi ako naniniwala na kakamustahin mo ako."
"Gusto lang kitang makachat ng matagal ayaw mo kasing tawagan kita kaya dito na lang."
"Huh?... hindi ka naman tumawag ah."
"Kanina pa kita tinatawagan, hindi mo sinasagot. Kahit tignan mo pa." Bigla ko namang hinanap yung phone ko naalala kong nakasilent mode pala ito. At dun ko nakita na naka 10 missed call pala ito.
"Sorry hindi ko alam na tumawag ka pala."
"So pwede na akong tumawag sayo ngayon?" Bigla naman akong nataranta sa chat nito hindi pwede! Hindi pa ako ready at hindi ko alam kung anong sasabihin ko dito. Nagreply naman agad ako sakanya agad.
"Hindi pwede! Matutulog na pala ako." Hindi ko alam pero bigla bumilis ang t***k ng puso ko. Tatawag lang naman siya sanay ka naman sabi ng kabilang bahagi ng utak ko. Pero kasi pag nag-uusap kami iba yun para kami parating nag-aaway.
"Ganun ba sige good night " Hindi ko alam kung bakit mabigla akong naguilty na ewan.. hinayang? Napailing na lang ako dahil sa mga naiisip ko. Pinatay ko na ang laptop at pumunta ng banyo para mag hilamos na rin. Kahit paano nawala rin ang inis ko at nakalimutan ko saglit ang problema ko. Paano kaya kung malaman ni Dad na may Boyfriend nga talaga ako? Pero hindi ko naman kasi masabing boyfriend ko nga Sionne para kasing may mali na hindi ko maexplain. Siguro dahil ang bilis ng mga pangyayari at hindi ko naman alam kung totoong seryoso ba talaga siya.
.......
......