Agad na kinuha sa akin ni Michelle si Zachheus. Binigay ko naman agad ito sa kaniya. “Okay ka lang baby?” tanong ni Michelle sa kaniya. Akala mo naman sinaktan ko ang anak naming dalawa. Tumango lang ang aking anak at tumingin sa akin. Kumalas naman ito kay Michelle na para bang gustong bumaba kaya binaba niya ito. Napangisi ako ng dahan-dahan itong lumapit sa akin at gustong magpakarga. Agad ko siyang kinarga at yumakap ito sa akin. “Daddy, I want to sleep,” nabubulol na wika nito sa akin. “Sleep na anak,” bulong ko sa kaniya. Sumandal siya sa akin at sumiksik sa aking leeg. Hinimas-himas ko ang kaniyang likod kaya naman ay madali itong nakatulog. “Bakit ka nandito? Hindi ka naman invited ah,” wika sa aking ni Michelle. “Invited sila Mommy at Daddy, so invited din ako. Okay la

