Buo na ang desisyon ko, I will make a move para ayusin na ang buhay namin ng aking asawa. Alam ko at nararamdaman kong may pag-asa pa ako. Malaki ang karapatan ko sa pamilya ko at walang Carl na makakahadlang noon. Wala na akong pakialam kung magwala man o i-blackmail pa ako ni Samantha, lalaban na ako. Kung sasaktan man niya ang asawa ko ay pro-protektahan ko sila ng anak ko. Kailangan ko lamang ang makausap si Michelle ng masinsinan. Nababalitaan kong may party mamaya ang pamilya Lopez. Invited ang mga ka-amiga ni Mrs. Lopez pati na rin sina Mommy at Daddy ay invited din ako lamang ang hindi. Siguro pa-welcome party ng mg Lopez sa pagbabalik ni Michelle. Ang tanong, ipapakilala ba ni Michelle ang anak niya sa lahat ng tao? I doubt. A-attend ako kahit hindi ako invited. Invited na

