Napatingin kami sa pumasok sa kwarto ng aking anak na si Sophia. Tila ba naging bolang apoy ang aking mga mata nang makita ko kung sino ang walang habas na pumasok sa loob. "Well, well. What is the meaning of this, Zach? Sa harap pa kayo ng anak ko naglandian ng babae mo!" sigaw nito. Hindi pa niya nakikita si Michelle dahil nakatalikod ito. Nang humarap siya kay Samantha ay nanlaki ang kaniyang mga mata dahil sa gulat. Napaatras ito kaya napangisi ako. Takot din pala siya kay Michelle. "A-anong ginagawa mo rito? Ka-Kailan ka pa bumalik?" utal na saad ni Samantha kay Michelle. Napangisi si Michelle sa kaniya. Nakadagdag siguro sa tapang niya dahil natatakot na rin si Samantha sa kaniya. "Parang ako yata ang magtatanong sa iyo niyan? Anong ginagawa mo rito?" tanong ni Michelle sa k

