Ilang araw na ang nakalipas ngunit narito pa rin kami sa Hospital. Nahihiya na rin ako sa aking asawa dahil halos narito lang siya sa aking tabi. Tinutulongan ako sa pag-aasikaso kay Sophia. Narito rin ang aking anak na si Zacchaeus. Natutuwa na rin itong pumunta rito dahil nakilala na niya si Sophia. Naging magkaibigan at magkalaro na rin sila. Kuya ang tawag ni Sophia sa kaniya kaya tuwang-tuwa naman ang ang aking anak dahil may kapatid na raw siya. Hindi pa rin ako pinapakilala ni Michelle sa kaniya. Gusto ko sanang ipasuyo kung puwedeng sabihin na niya kay Zaccheus na ako ang tunay niyang ama ngunit nahihiya ako. Wala akong karapatang mag-demand sa aking asawa. Wala rin akong lakas na loob na sabihin sa kaniya ito. “Magandang hapon Mr. and Mrs. Monteverdi,” saad ng Doctor sa amin.

