"K-Kuya, please lang itigil mo na ito! Sumuko ka na lang huwag mo nang paabutin pang may masaktan pang mga tao. Lahat naman ay ginawa ko na. Sinabi ko nang narito si Michelle sa Pilipinas kasama ko kapalit ng paglaya ng mga magulang natin. Ano pa ba ang kailangan mo?" tanong ni Lance sa kaniya. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Lance sa kaniya. So kaya pala alam ni Lucas na nasa Pilipinas na ako ay dahil iyon sa kaniya? Dahil sinabi niya ito kapalit ng paglaya ng pamilya niya? Napapikit ako ng mariin at napailing. Rinig ko ang ubo ni Lance na para bang nahihrapan ito. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa ngayon. Halo-halo ang aking emosyon. Ano pa ba ang hindi ko pa nalalaman? "Hindi pa iyon sapat! Malaki ang kasalanan mo sa akin dahil mas pinanigan mo pa ang Zach na i

