Habang nasa byahe kami ay panay silip ko sa kotse ni Zach. Ayaw kong ni isang segundo ay mawala ito sa akin. Ayaw kong masayang ang effort ko at gusto ko na ring mailigtas si Lance sa kapatid niya. Nanginginig ako sa galit dahil sa katarantaduhan ni Lucas . Grabe, sagad na ang kasamaan niya baka hindi na nga siya tanggapin ng langit dahil madami na ang naging kasalanan niya. "Manong pakibilisan po ng kunti baka hindi na natin maabutan iyong pinapasundan ko sa inyo, dodoblehin ko po ang pamasahe kapag nasundan po natin at natunton iyong kotseng iyon." Kanina pa kasinito tsismis ng tsimis sa akin. Kesho daw iyong utang dapat bayaran hindi tinatakbuhan. "Huwag kang mag-alala, iha. Magaling ako magmaneho," saad niya sa akin. Napatango na lamang ako sa kaniya. Kita ko ang paghinto ng ko

