Lucas “Sigurado ka na bang okay ka lang dito?” tanong ko kay Michelle. Kailangan ko kasing umuwi na dahil nga tinawagan na rin ako ng aking sekretarya at kanina pa ako kinukulit ng aking kapatid na umuwi na, kung hindi raw ako uuwi ay pupunta raw siya rito at magpapakita kay Michelle. Hindi puwede iyon, ayokong malaman ni Michelle na dumating na siya. Hindi ako papayag na gawan niya ulit ng masama ang aking mahal. Hindi na ako makakapayag na saktan niya ulit siya. Tama na ang nagawa niya dati, I’ll make sure na hindi niya na uulitin iyon. Ayoko ring malaman niya na ang sekreto naming dalawa, alam ko kasing magagalit si Michelle sa akin. Ngayon pa ba na gusto na niyang sumama sa akin, handa na siyang magmove on kasama ako. Hindi ako papayag na masira ang plano namin ni Michelle. Dapat

