Michelle Kasalukuyan kaming nageempake ni Mommy, ngayon kasi ang aking discharge sa hospital. Kailangang maasikaso ko na rin ang aming annulment dahil kung mas papatalagin ko pa ito ay mas lalong lalala ang lahat mas worst ay baka malaman pa nila Mommy na nagsekreto ako tungkol sa pagbubuntis ko. Hanggang ngayon ay hindi pa namin nakikita si Zach, simula noong araw na nahimatay ako ay wala nang balita sa kaniya. Hindi namin alam kung saan nga ba siya nagpunta o kung sino ang kasama niya. Hindi na siya nagpapakita sa opisina, hindi na rin naasikaso ang kompaniya niya buti na lamang ay naando’n si dad ang papa ni Zach. Hindi ko alam pero may parte sa akin na nag-aalala. Papa’no kung may masamang nangyari sa kaniya? Ngunit kapag naalala ko ang mga pananakit niya sa akin at panloloko niya

