Lucas Ilang araw nalang ay matatapos na ang annulment paper ni Michelle. Nakabook na rin kami ng flight papuntang America. Hanggang ngayon ay wala pa rin silang balita kay Zach. Ang walang hiyang ‘yon tamang hindi na siya bumalik pa. Wala naman siyang ginawa kung ‘di ay saktan si Michelle. “Kuya, pakiabot nga ng kanin,” utos sa akin ng aking kakambal. Isa pa itong kapatid ko sa pinoproblema ko, iniiwasan ko talagang magkalapit sila ni Michelle. “Kuya,” tawag niya ulit sa akin. Napalingon ako sa kaniya. “Bakit?” “Ang lalim ng iniisip mo, sabi ko pakiabot ng kanin,” saad niya sa akin. Inabot ko naman sa kaniya ang kanin at napangisi lamang ito. “Hindi ka ba nakokonsensiya, kuya kapag nakikita si Michelle?” Nanlamig naman ako sa sinabi niya. “Bakit naman ako makokonsensiya, wa

