Zach Mabilis akong bumyahe papuntang bahay para sabihin kay Michelle ang nalaman ko. Kaagad kong tinawagan si Kuya Carl upang sabihin din ang nangyari kanina. Ilang ring lamang ay kaagad na sumagot sa akin si Kuya Carl. "Hello, bro? Anong mayro'n?" tanong niya sa akin. Kasalukuyan kasi siyang nagbabantay kay Samantha sa dati kong bahay. Roon na nga siguro siya natutulog. "May kailangan kang malaman," saad ko sa kaniya. "Ano iyon?" tanong niya sa akin. "Si Lucas ang nagpa-kidnap kay Sophia, siya ang may pakana ng lahat, kakasabi pa lang ng kidnapper sa akin kuya kanina. Pakibantayan si Samantha. Alam kong si Lucas ang ama ni Sophia dahil ang tunay na pangalan ni Lucas ay Lucas Gabriel Guerero. Si Lucas at ang sinasabing Gabriel ni Samantha ay iisa," saad ko sa kaniya. "What the a

