ZACH "A-ano raw ang sabi?" tanong ni Michelle sa akin. Napalingon ako sa kaniya, kita ko ang pag-aalala sa kaniyang mukha. "Nakatakas daw si Samantha," nanlulumong saad ko sa kaniya. "A-ano? Saan naman pupunta iyon?" tanong niya sa akin. "Hindi ko alam..." Bigla namang may mga sasakyang pumarada sa mansiyon namin. Nagkatitigan kami ni Michelle. Siguro mga pulis na iyon. Kaagad na binukasan ni manang ang pintuan. "Narito po ba si Mr. Monteverdi?" tanong ni Mr. Santos. "Pasok ho kayo," saad ni manang. Kaagad namang pumasok si Mr. Santos kasama ang kaniyang mga tauhan. Nakasunod din naman ang aking kaibigan na nasa SWAT. "Bro, na-receive ko iyong text mo. Paparating na rin ang team ko," saad niya sa akin. "Mr. Monteverdi, magandang gabi." Napalingon ako kay Mr. Santos. "Kai

