Michelle Seryoso akong tumingin kay Carl, kasalukuyan kaming nasa dining area pa rin. Hindi ko alam ngunit may kunting kaba akong nararamdaman. "Pumunta rito si Lucas sa bahay," seryosong wika ko sa kaniya. Nanlalaki ang kaniyang mga mata dahil sa gulat. "WHAT? Mabuti hindi kayo sinaktan," wika niya. Umiling ako sa kaniya para sabihing hindi naman kami sinaktan. "Anong ginawa sa inyo?" tanong niya sa akin. "Wala siyang ginawa. Nagpanggap siyang si Lance. Iyong kausap namin simula no'ng nawala si Lance ay si Lucas pala iyon!" Pikit mata kong sinabi iyang mga kataga. Hindi ko alam pero rinig kong napasinghap siya. "WH-WHAT? Paano mo nassbi? Baka nagkakamali ka lang? Baka si Lance pala iyon," hindi makapaniwalang saad ni Carl sa akin. "It's true, Carl. Narinig ko pa nga habang

