Nakakainis! Bakit kasi hindi nila ako payagan na tumulong sa kanila? Ako naman ang puntirya ni Lucas kaya may maitutulong ako. Kung ayaw nila ako na lang ang kikilos mag-isa. Neknek nila, hindi ako papayag na wala akong maitulong man lang. Napagitla ako nang mag-ring ang aking cellphone. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bulsa at kunot-noong tiningnan kung sino ang tumatawag. Napairap naman ako nang makitang unknown number at hindi ko kilala. "Hello?" sagot ko sa kabilang linya. Rinig ko ang humahangos na tao kaya napakunot ako. "Hello pinagtri-tripan mo na ako? Kung wala kang magawa sa buhay ay huwag mo akong idamay marami akong problema ngayon! Huwag mo nang dagdagan pa! Leshe ka!" wika ko pa. Napakunot ang aking noo nang tumawa pa ito

