Michelle Sobra akong nagulat nang makita si Zach na karga-karga ang aking anak na si Zacchaeus. Hindi ko alam kung alam na ba niya na anak niya ito o hindi. Hindi naman tanga si Zach para hindi makahalata, sobrang magkahawig kasi sila ng aking anak, pati ang pagitann ng taon kung kailan kami naghiwalay ay gano'n rin sa edad ng aking anak at syempre ang pangalan ng aking anak ay kapareho ng sa kaniya. Kinakabahan akong baka kunin niya ang baby ko kaya agad kong kinuha sa kaniya si Zacchaeus. Napahinga ako ng maluwag nang hinayaan niya lang akong kunin ang aking anak.Ngunit mayamaya lang ay bumalik ang anak ko sa kaniyang ama. Sobrang nagulat pa ako nang sinabi niyang Daddy niya ito. Shit. Nagpakilala na ba si Zach sa kaniya? Agad namang kinarga ni Zach si Zacchaeus. Napangisi siya sa

