Natapos ang party ng walang gulo o anumang conflict. Sa una ay awkward ang lahat ngunit kalaunay ay nawala na. Sobrang nakakatawa kasi ang kuwento ng pagkakaibigan nila Mom at Tita. Sobrang in-enjoy talaga nila ang kanilang kabataan. Hindi ko iyon naranasan dahil maaga pa lang ay naging mag-asawa na kami ng aking asawa. Wala naman akong pinagsisihan doon dahil sobrang nag-enjoy ako dahil kasama ko ang mahal ko ngunit sinaktan ko lamang ito. Iniisip ko, pinagsisihan b ani Michelle na naging asawa niya ako? Siguro oo, sino ba naman ang babaeng gugustuhin ang hirap at sakit sa kamay ng kanilang asawa, hindi ba? Kaya nga until now ay nahihiya pa rin ako sa mga ginawa ko sa kaniya noon. Kinakapalan ko na nga lang ang aking mukha para lang makabawi at makasama siya. Naandito ako sa labas

