Nang makababa ako ay roon pa rin ako sa dinaanan namin ni Michelle pumunta. Hinayaan ko na ang aking anak na matulog sa kwarto niya. I already make sure na safe siya sa kama at hindi mahulog. Gustuhin ko mang manatili sa loob ngunit hindi puwede baka may makakita pa sa akin doon. Gusto ko rin kasing unti-untiin ayaw kong madaliin ang lahat. Hindi rin kasi tamang kay Michelle lang ako magpapaalam, syempre kina Tita at Tito pa. Kahit naman kasal na kami at may anak na, hindi ko pa rin makakalimutan ang pagrespeto sa magulang ng aking asawa. Ayaw ko nang maulit ang nakaraan, hinding-hindi na iyon mauulit kailanman. I’d make sure na kapag dumating na si Michelle rito sa Pilipinas ay nagbago na ako, I am already the best version of myself. Iyong maunawain, may respeto at handang ipaglaban

