Grief 1.2

1189 Words

Zach Kasalukuyan kaming nag-aasiko ng lamay ni Sophia. Masakit pa rin sa akin ang pagkawala niya ngunit kailangan ko itong tanggapin. Mahirap sa una pero siguro kalaunay ay maakakaya ko. Lalo na nasa tabi ko lang ang aking pamilya. Narito pa rin si Samantha sa bahay, binbantayan ang kabaong ng kaniyang anak. Nakatulala lamang ito habang tumutulo ang kaniyang luha. Gusto ko mang maawa sa kaniya ngunit pagnaiisip ko ang lahat ng ginawa niya sa anak niya ay nawawala iyon at napapalitan ng galit at pagkamuhi. Gusto ko siyang palayasin dito sa bahay ngunit ayaw ko namang sirain ang lamay ng aking anak. Mas maiging hindi ko muna uunahin ang aking galit dahil alam kong hindi magiging masaya si Sophia no’n. Agad ko siyang nilapitan at tumabi sa kaniya. Gusto kong malaman kung nasaan siya no’n

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD