Zach Agad ako pumunta sa bahay naming at nakasalubong ko si Michelle at Zaccheus na nakaabang sa pintuan. Mabilis ko silang niyakap at hinalikan. Medyo nailang pa si Michelle ngunit pinagsawalang bahala ko na lamang iyon. “Daddy! I miss you po!” sabik na saad sa akin ng aking anak. “I miss you too, young man. Binantayan mo ba ng maigi ang mommy mo?” tanong ko sa kaniya. Tumango ito sa akin at ngumiti. “Yes po, daddy!” Nagpupumiglas siya sa akin hudyat na gusto niyang bumaba sa pagkakakarga ko sa kaniya. Nang maibaba ko na siya ay mabilis itong tumakbo papuntang sofa para manuod ng T.V. Napailing na lamang ako. “N’ong sinsabi kong papunta ka rito ay pinipilit niya akong hintayin ka sa pintuan. Abangan ka raw namin, sabi ko naman baka ma-miss niya ang kaniyang paboritong palabas, O

