Zach’s POV Ito na ang last day na kasama ang baby namin na si Sophia. Ihahatid na namin siya sa huling hantungan. Himala nga at hindi na umalis si Samantha sa bahay. Doon na rin siya natutulog ako naman ay umuuwi sa bagong bahay namin. Kasalukuyan kaming nasa sementeryo at nagmimisa na ang pari sa harap namin. Tahimik na lumuluha naman si Samantha sa isang tabi at nakatitig lamang sa picture ng kaniyang anak na nakapatong sa kabaong. Nararamdaman kong malaki ang kaniyang pagsisisi dahil sa nakikta ko ngayon. Ngunit isang leksiyon na ito sa kaniya sa lahat ng mga ginawa niya sa amin at kay si Sophia. Ika nga nila, good people have better things coming and bad people have bad things coming as long as the world is turning, what goes around will come around. Napailing na lamang ako sa ak

