Michelle Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone ni Lance dahil ilang araw na itong hindi nagpaparamdam sa amin. I was worried baka kung ano na ang nangyari sa kaniya. Kapag tinatawagan ko naman ay out of coverage pa. Saan nga ba siya nagpunta? At sinong kausap niya bago siya nawala? “Natawagam mo ba?” tanong ng aking asawa sa akin. Umiling na lang ako bilang sagot at tinawagan ulit ang number ni Lance ngunit out of coverage na naman ito. “Baka may ginawa lang iyon, babalik din si Lance,” saad niya sa akin. “Paano kung hindi? Napaka-unusual kasi eh, hindi nagpapatay ng cellphone si Lance at kung may gagawin man siya ay magpapaalam muna iyon sa akin. Alam kasi niyang mag-aaalala ako sa kaniya,” wika ko sa aking asawa. Kasalukuyan kaming nasa terrace ng aming kwarto ni Zaccheus. Ma

