Michelle Nang makapunta kami sa dating bahay ni Zach ay agad akong kumaripas ng takbo paloob ng bahay. “Careful, hon!” pahabol na saad sa akin ni Zach. Nang makapasok ako sa loob ay kita kong nag-uusap sina Carl at Lance. Nakangiti akong lumapit sa kanila. “Lance!” tawag ko sa kaniya. Napalingon siya sa akin at agad niya akong niyakap ng mahigpit. Napakunot ako ng noo dahil doon. May problema ba? “Saan ka nagpunta? Ilang araw kang walang paramdam sa amin. Bakit ngayon ka lang bumalik?” tanong ko sa kaniya. “M-may problema lang sa kompaniya pasensiya na dahil hindi man lang ako nakapagsabi o tawag man lang sa’yo. Kumalas naman agad ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Mabuti at ligtas ka, akala ko kung ano na ang nangyari sa iyo. Sobra akong nag-alala, Lance, huwag mo na sanang uliti

