GULAT at hindi makapaniwala si Froilan sa sinabi nito. Agad itong nilapitan ni Lorrene at Arthur para sabihin ang totoo. “Yes, Froilan. Anak namin siya ni Arthur.” Tinitigan lang ni Froilan si Lorrene, hindi siya naniniwala sa sinabi nito. “No, hindi totoo ʼyan! Hindi ako naniniwala sa inyong dalawa! Anak ko siya, ʼdi ba? Anak ko si Lorenz?” Hindi makuhang maniwala ni Froilan dahil nararamdaman niya ang lukso ng dugo sa bata. “Ate Beth, dalhin niyo muna si Lorenz sa labas. Susunod na lang kami ni Arthur,” utos nito bago muling bumaling sa kaniya. “Wala akong pakialam kung ayaw mong maniwala, Froilan. Hindi ka naming pinipilit na maniwala. Halika na, Arthur, kailangan ko nang maligo at magbihis.” Naiwang tulala si Froilan habang nakatanaw sa likod nila unti-unting lumalayo. “Hindi ako

