“GOOD morning, Sir Arthur. Hello, baby Lorenz! Buti naman napasyal kayo, sir,” pagbati ni Kyla sa dalawa. “Kyla, si Lorrene ba nasa opisina? Gusto kasing makita ni Lorenz ang mama niya kaya kami pumunta rito. Madali kasi ʼtong magtampo kaya pinagbigyan ko na.” “Lorenz, miss mo si Mama Lorrene?” malambing na tanong ni Kyla sa bata. “Opo, Tita Kyla. Gusto ko po makita si Mama Lorrene.” “Halika, baby. Dadalhin kita kay mommy. Sir Arthur, sumunod po kayo sa akin.” Dinala ni Kyla ang dalawa sa opisina ni Lorrene. Kumatok muna ito ng dalawang beses bago tuluyang pumasok sa loob. “Lorrene, nandito si Lorenz at Sir Arthur.” Niyakap agad ni Lorrene ang kaniyang anak na masigla naman nitong ginantihan na may kasama pang halik sa pisngi. “Na-miss mo si mama, baby? Ang sweet naman ng baby ni

