HINDI mapalagay si Froilan sa kaiisip kung ano ang dapat niyang gawin. Nararamdaman niya na anak niya si Lorenz pero ang labis na ipinagtataka niya ay hindi niya ito naramdaman sa anak nila ni Bianca. Dahil sa kuryusidad ay pinuntahan niya si Francine sa living room at agad niya itong niyakap. “Daddy, what’s wrong? Are you okay? Bakit niyo po ako niyakap?” naguguluhang tanong nito sa kaniya. “Francine, I just wanna hug you.” Niyakap niya ito ng mahigpit at hinanap ang kakaibang pakiramdam na katulad ng kay Lorenz ngunit bigo siya. Nagtatakang tiningnan sila ni Bianca nang makita sila sa gano’ng itsura. “Froilan, ano’ng ginagawa mo? Ngayon lang kita nakitang niyakap ng ganiyan ang anak natin. Ano’ng nakain mo? Na-realize mo na ba ang pagkukulang mo sa anak natin? Mabuti naman kung gano’

